Nangulo at bumigkas ng mahalagang talumpati kaninang umaga sa ika-18 pulong ng namumunong grupo ng Komite Sentral sa Komprehensibong Pagpapalalim ng Reporma si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, Pangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, at Puno ng naturang namumunong grupo.
Binigyang-diin ni Xi na ang "Mungkahi ng Komite Sentral ng CPC hinggil sa Pagbalangkas ng Ika-13 Panlimahang-Taong Plano sa Pag-unlad ng Pambansang Kabuhayan at Lipunan" na pinagtibay sa Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, ay pragmatikong dokumento. Aniya, sa kasalukuyang Tsina, lubos na nagkakaisa ang pag-unlad at reporma. Kung talagang nais pasulungin ang pag-unlad, dapat pasulungin ang reporma. Ang walang humpay na pagsulong ng reporma ay nakakapagbigay ng malakas na puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad.
Dumalo rin sa pulong ang mga Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, at Pangalawang Puno ng namumunong grupo, na sina Li Keqiang, Liu Yunshan, at Zhang Gaoli.
Salin: Li Feng