|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon sa Manila sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Albert del Rosario ng Pilipinas.
Bago ang pagdalaw ni Wang sa Pilipinas, ipinatalastas ng pamahalaang Tsino na sa paanyaya ni Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas, dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC na idaraos sa kasalukuyang buwan sa Pilipinas,
Kaugnay nito, ipinahayag ni Wang na ang nasabing kapasiyahan ng panig Tsino ay nagpapakita ng pagsuporta sa APEC at mga gawaing pagtangkilik ng Pilipinas sa naturang pulong.
Sinabi pa ni Wang na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng ibang mga kasapi ng APEC, para magtampok sa mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan sa rehiyong Asya-Pasipiko at maigarantiya ang tagumpay ng APEC meeting.
Ipinahayag ni del Rosario ang mainit na pagtanggap sa pagdalo ni Pangulong Xi sa APEC. Sinabi pa niyang bilang host country ng APEC meeting, buong sikap na isasakatuparan ng Pilipinas ang mga pangako para maigarantiya ang tagumpay ng nasabing pulong.
Ipinahayag naman ni Wang na nakahanda ang panig Tsino na talakayin, kasama ng Pilipinas, ang paraan para lutasin ang mga hidwaan ng dalawang panig sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian. Inulit din niyang palagiang nananatiling bukas ang Tsina sa pagsasagawa ng diyalogo sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |