SASALUBUNGIN ni Foreign Affairs Secretary Alberto F. Del Rosario si Chinese Foreign Minister Wang Yi sa ganap na ika-walo ng umaga bukas.
Sa media advisory na ipinadala ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas, sinabing darating si Minister Wang bago sumapit ang ika-walo't kalahati ng umaga.
Magkakaroon ng pagsalubong, paglagda sa Guest Book ng DFA at pagkakaroon ng pag-uusap sa pagitan ng dalawang panig. Dumalaw si Minister Wang sa paanyaya ni Philippine Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario.
Tanging photo opportunity at video spray lamang ang pinapayagan para bukas.