Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, matatag na pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Asya-Pasipiko at buong daigdig

(GMT+08:00) 2015-11-11 10:42:36       CRI

Bilang tugon sa mga sinasabi kamakailan ni Ashton Carter, Kalihim ng Tanggulan ng Amerika, sinabi kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kanyang bansa ay maintainer, builder at contributor ng umiiral na sistema at kaayusang pandaigdig.

Dagdag pa niya, matatag na pinangangalagaan ng Tsina ang katatagan at kapayapaan sa rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig.

Noong nagdaang Sabado, sinabi ni Carter na ang mga aksyon ng Tsina sa South China Sea ay humahamon sa pandaigdigang kaayusan. Bukod dito, sinabi rin niyang ipinadala ng Amerika ang isang aircraft carrier sa South China Sea para ipakita ang pangako ng Amerika sa pangangalaga sa malayang paglalayag sa rehiyong ito.

Sinabi ni Hong na ang kasalukuyang kaayusang pandaigdig ay itinatag sa pundasyon ng UN Charter at ang prinsipyo nito ay paggalangan ng mga bansa sa kabuuan ng teritoryo at soberanya sa isa't isa, pantay na pagtrato, at di-pakikialam sa mga suliraning panloob. Aniya pa, hindi ito ipinasiya ng Amerika batay sa sariling hangarin.

Binigyang-diin ni Hong na ang pagpasok ng mga bapor na pandigma ng Amerika sa rehiyong pandagat ng Nansha Islands ay malubhang nakapinsala sa katiwasayan at soberanya ng Tsina. Ito rin aniya ay pagpapaigting ng tensyon sa rehiyong ito.

Sinabi ni Hong na ang Nansha Islands ay nabibilang sa teritoryo ng Tsina at may kapangyarihan ang Tsina sa pagsasagawa ng konstruksyon sa rehiyong ito. Binigyang-diin ni Hong na ang mga konstruksyon ay hindi makakapinsala sa kapakanan ng anumang bansa at kalayaan ng paglalayag at pagsasahimpapawid sa rehiyong ito.

Aniya pa, palagian at buong sikap na iginigiit ng Tsina na sa pundasyon ng paggalang sa kasaysayang pangkasaysayan at batas na pandaigdig, mapayapang lulutasin ng Tsina at mga direktang kasangkot na bansa ang mga hidwaan sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian.

Nakahanda aniya ang panig Tsino na pangalagaan, kasama ng mga bansang ASEAN, ang katatagan at kapayapaan sa South China Sea.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>