Idinaos kahapon sa Yunnan, Tsina ang First Foreign Ministers' Meeting ng Lancang-Mekong River. Dumalo sa pulong ang mga Ministrong Panlabas mula sa anim na bansa sa kahabaan ng nasabing ilog, na kinabibilangan ng Tsina, Thailand, Kambodya, Laos, Myanmar, at Biyetnam. Pinanguluhan ang pulong nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at kanyang Thai counterpart na si Don Pramudwinai.
Ipinatalastas sa pulong ang pagtatatag ng Mekanismong Pangkooperasyon ng Lancang-Mekong River. Suportado naman ng mga kalahok ang koordinadong pag-unlad, kasama ang mga umiiral na mekanismong pangkooperasyon ng rehiyong ito na kinabibilangan ng GMS, AMBDC, MRC at iba pa. Ito anila ay para pasulungin ang integrasyon ng rehiyon.
Umaasa ang mga kalahok na mapapahigpit ang pagtutulungan sa ilalim ng Mekanismong Pangkooperasyon ng Lancang-Mekong River sa ibat-ibang larangan, lalo na sa seguridad na pulitikal, sustenableng pag-unlad ng kabuhayan, lipunan, at kultura, na naaayon sa 3 pundasyon ng ASEAN Community.