Magkahiwalay na nagpadala ng mensahe ngayong araw si Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina kina Pangulong Francois Hollande at Punong Ministro Manuel Valls ng Pransya, kaugnay ng naganap na mga teroristikong pag-atake sa Paris.
Sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino, at kanilang sarili, kinondena ng mga lider na Tsino ang naturang mga marahas na aksyon, ipinagluksa ang mga nasawi, at ipinagdalamhati ang mga nasugatan at kamag-anakan ng mga nabiktima.
Tinukoy din ng mga lider na Tsino na tinututulan ng Tsina ang lahat ng porma ng terorismo. Nakahanda anila ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, na palakasin ang kooperasyong panseguridad, at labanan ang terorismo.
Salin: Liu Kai