|
||||||||
|
||
Bangkay ng isang nasawi sa labas ng teatro
Isa sa mga lugar na inatake ay isang teatro, kung saan binaril ng ilang mang-aatake ang mga manonood doon, at pinatay ang mahigit sa isang daang tao. Pagkatapos, inilunsad ng pulisya ang rescue operation at pinatay ang mga salarin.
Sa loob ng Stade de France, pagkaraang maganap ang mga pagsabog
Ang isa pang lugar ay Stade de France. Nanonood ng palaro roon si Pangulong Francois Hollande ng Pransya, nang maganap ang ilang pagsabog sa labas ng istadyum.
Pagkaraang maganap ang naturang mga insidente, tinawag ni Hollande ang naturang mga pamamaril at pambobomba na "walang-katulad na teroristikong pag-atake sa kasaysayan." Ipinatalastas niya ang state of emergency sa buong Pransya, at pagpapahigpit ng pagkontrol sa hanggahan ng bansa. Kinansela rin niya ang pagdalo sa gaganaping G20 Summit sa Turkey. Idineploy naman ang 1500 sundalo sa Paris, para palakasin ang seguridad.
Nagpahayag naman ng pagkondena rito ang mga bansa at organisasyong pandaigdig na kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Alemanya, Amerika, United Nations, Unyong Europeo, at iba pa.
Salin: Liu Kai
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |