Maynila, Pilipinas--Nag-usap dito ngayong araw (ika-17 ng Nobyembre ) sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Razak Najib ng Malaysia, na kapuwa lalahok sa Pulong ng mga Lider na Ekonomiko ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin mula ika-18 hanggang ika-19 ng Nobyembre.
Sinang-ayunan ng dalawang lider na ibayo pang pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina't Malaysia, sa pamamagitan ng pragmatikong pagtutulungan, para makinabang dito ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac