|
||||||||
|
||
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina habang sinasalubong ng mga opisyal na Pilipino sa NAIA (Xinhua/Li Xueren)
Dumating ng Manila, Pilipinas Martes ng tanghali si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para dumalo sa Ika-23 Di-pormal na Pulong ng mga Lider na Ekonomiko ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin mula ika-18 hanggang ika-19 ng Nobyembre.
Kasama ni Pangulong Xi ang pinakamalaking delegasyong komersyal.
Sa higit 1,300 mga kalahok sa APEC CEO Summit sa Makati Shangri-La, 25% ang kumakatawan sa mga kumpanyang mula sa Tsina.
Ito ang sinabi ni Gng. Doris Magsaysay-Ho, ang chairperson ng APEC Business Advisory Council sa isang panayam.
Sinabi ni Gng. Magsaysay-Ho na isang magandang pangitain ang paglahok na ito ng mga mangangalakal na Tsino.
Lumalabas na napapagtuunan na ng pansin ng daigdig ang Pilipinas kung saan idinaraos ang APEC Leaders' Week. Magkakaroon ng pagkakataong makita ng mga mangangalakal na dayuhan ang nagaganap at tunay na larawan ng bansa na handa na sa pakikipagkalakal sa iba't ibang bansa.
Ayon sa mga nakausap niyang pinuno ng iba't ibang bahay-kalakal na may mga kinatawan sa pagpupulong sa Maynila na nakikita na nila ang mga magagandang nagaganap sa larangan ng negosyo.
Ipinaliwanag pa ni Gng. Magsaysay-Ho na ang maganda sa APEC ay nabubuo ang pagtitiwala ng iba't ibang bansa sa bawat isa at hindi lamang sa kalakal nakatuon ang pansin ng samahan kundi sa pagdadala ng kaunlaran sa buong rehiyon.
Ulat: Melo/Xinhua
Salin: Li Feng
Editor: Jade/Mac
| ||||
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |