Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping: dapat magkasamang magsikap ang Tsina at Amerika para sa relasyon ng dalawang bansa

(GMT+08:00) 2015-11-30 17:30:10       CRI

Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw (Manila / Beijing Time) sa Paris kay Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa kasalukuyang kalagayan, dapat buong tatag na hawakan ng Tsina at Amerika ang tumpak na direksyon ng pagtatatag ng bagong relasyon ng malalaking bansa, at dapat din nilang igiit ang prinsipyo ng paggagalangan sa isa't-isa, kooperasyon, at win-win situation. Ani Xi, dapat pasulungin ng dalawang bansa ang pragmatikong pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't-ibang lebel na kinabibilangan ng pagpapalakas ng kanilang pagkokoordinahan sa patakaran ng makro-ekonomy para mapasulong ang pagsasakatuparan ng Pulong ng Pagbabago ng Klima ng inaasahang target.

Idinagdag pa ng Pangulong Tsino na dapat magkasamang magsikap ang Tsina at Amerika para maigarantiya ang sustenable, malusog, at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at mapangalagaan at mapasulong ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>