|
||||||||
|
||
Bilang finale ng taong ito, pinili ng Reuters ang pinakamagagandang litrato ng mga hayop, para lunurin sa ka-kyutan ang inyong mga puso.
Kuha noong ika-21 ng Agosto, 2015, sa China Conservation and Research Center for the Giant Panda (CCRCGP) Ya'an, Sichuan, sa timog-kanlurang Tsina ang mga panda cub sa mga basket.
Ika-25 ng Pebrero 2015, sa isang bayan sa timog Hapon, 6 ulit na mas marami ang bilang ng mga pusa kumpara sa populasyon ng mga residente roon.
Ika-27 ng Okture 2015, sa tabi ng isang lawa sa Peru, handang-handa na ang mga pelican na maghanap ng pagkain.
Ika-19 ng Mayo 2015, sa zoo ng Sydney, Australia, baby gorilla nakahiga sa katawan ng nanay.
Ika-27 ng Enero, 2015, sa Qingdao Wildlife World, lalawigang Shandong, Tsina, nagsimulang kumain ang mga unggoy.
Ika-14, Oktubre 2015, sa zoo ng Mexico, umiinom ng gatas ang isang baby leopard.
Ika-17 ng Nobyembre 2015, guwapong side view ng isang Spanish thoroughbred.
Ika-6 ng Marso 2015, sa Pet Beauty Pageant, Birmingham, Britanya, dalawang shepherd dog na handa nang lumahok sa kompetisyon.
Unang araw ng Hulyo 2015, sa zoo ng Sorocaba, Brazil, may "bagong" binti ang isang flamingo.
Salin: Andrea
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |