Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

17 taong gulang na Pinoy, nagtanghal sa 2015 China-ASEAN Friendship Concert

(GMT+08:00) 2015-12-22 11:38:27       CRI

Masigabong palakpakan ang isinukli ng mga manonood ng 2015 China-ASEAN Friendship Concert, matapos kantahin ni Aldrich Lloyd Talonding ng Pilipinas ang awit na "Anak" ni Freddie Aguilar.

Sa konsiyertong ito na may temang "Our Region, Our Song,"  na ginanap sa Beijing, Disyembre 16, 2015, ipinamalas ng mga mang-aawit mula sa 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina ang kamangha-manghang kultura ng musika ng Tsina at mga bansang ASEAN.

Dito, ipinakita ni Talonding na hinding-hinding mahuhuli ang Pilipinas pagdating sa pag-awit.

Si Talonding habang nagtatanghal sa 2015 China-ASEAN Frienship Concert

Pagkatapos ng konsiyerto, animo'y naging instant celebrity si Talonding.

Napakaraming bigla ang kanyang fans na gustong magpakuha ng litrato kasama niya.

Si Talonding (ika-2 sa kanan,unang hanay), kasama ng mga bagong fans pagkatapos ng pagtatanghal

Sa panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi ni Talonding na sobrang saya niyang maging bahagi at representative ng Pilipinas sa 2015 China-ASEAN Friendship Concert sa Beijing, China.

Si Talonding (kaliwa) habang kinakapanayam ni Rhio, reporter ng CRI Filipino Service, pagkatapos ng pagtatanghal

Aniya, kinakabahan siya noong una dahil siya ang pinakabatang performer at malaking pagsubok para sa kanya na kantahin ang "Anak" dahil alam niyang ito ay napakakilalang kanta sa buong mundo, sumasalamin sa buhay at damdamin ng mga kabataan at isinulat ng napakagaling na mang-aawit at composer na si Freddie Aguilar.

Malaki namang pasasalamat ang ipinahayag ni Talonding, unang-una, sa Panginoong May-Kapal sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad at talento, at pangalawa, sa mga nagtaguyod at sumuporta sa kanyang pagtatanghal.

May payo rin ang batang mang-aawit sa mga nagnanais na maging singer: dapat lang aniyang laging mag-practice para maging mas mahusay.

Si Talonding ay isang estudyante ng Bachelor of Science in Biology at gustong maging doktor sa hinaharap.

Sa hiwalay na panayam kay Embahador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas ipinagmalaki niya ang 17 gulang na Philippine participant.

Si Ambassador Basilio, kasama ni Aldrich Talonding (ika-5 sa kaliwa), Sharla Mae Cabanda Talonding (dulo, kanan, unang hanay), ate ni Talonding; James Walter Bucong(dulo, kanan, pangalawang hanay), pinsan at guitarist ni Talonding; Elenita Directo (ika-4 sa kaliwa) at Elizabeth Cachin (ika-3 sa kaliwa) ng PTV; at sina Vera, Frank, Rhio, at Jade, mga miyembro ng CRI Filipino Service

Sina Ambassador Erlinda Basilio (ika-4 sa kaliwa, unang hanay) at Aldrich Talonding (ika-3 sa kanan), kasama ng iba pang mga diplomata at mang-aawit mula sa Tsina at ASEAN, pagkatapos ng pagtatanghal

Ani Basilio, "napakagaling ng kanyang boses (Talonding) at napakaganda ng kanyang bersyon ng komposisyon ni Freddie Aguilar."

Kabilang sa mga mang-aawit ng ASEAN na nagtanghal sa nasabing konsiyerto ay sina: Sri Nazrina mula sa Brunei na umawit ng "Anak Durhaka;" Ma Chanpanha mula sa Kambodya na umawit ng "Autumn;" Bunga Citra Lestari mula Indonesya na umawit ng "True Love;" Kai Overdance mula sa Laos na umawit ng "Champa Flower;" Asmidar Ahmad mula sa Malaysia na umawit ng "Wau Bulan;" A Sai mula sa Myanmar na umawit ng "Thanakha;" Tay Kewei mula sa Singapore na umawit ng "Home;" Tanon Jumroen mula sa Thailand na umawit ng "Love Great Charm;" Ta Quang Thang mula sa Byetnam na umawit ng "Water-ferns Drift, Clouds Float."

Ang mga mang-aawit namang Tsino ay sina Wang Li na kumanta ng The Chinese Characters, Bei Bei na kumanta ng The Old Springtime, Wang Sulong na kumanta ng The Growth Ring, Yu Kewei na kumanta ng The Velvet Flower of Glory, Ma Di na kumanta ng The Nostalgia for South, Xu Yina na kumanta ng The Beauty of the Orient, Uda Мод na kumanta ng Mother in My Dream, Xiong Rulin na kumanta ng The Butterfly Kisses Huashan, at Wang Xiaomin na kumanta ng The Little Girl Under the Lamp.

Ang 2015 China-ASEAN Friendship Concert ay magkakasamang itinaguyod ng China Radio International (CRI), Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Guangxi TV, Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ng Pilipinas (NCCA), at mga media ng sampung (10) bansang ASEAN na kinabibilangan ng People's Television Network (PTV).

Reporter: Rhio

Text/Photo Editor: Jade

Photographer: Rhio/Jade/Lyndon/Frank/CRI

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>