Ipininid kahapon, Biyernes, ika-25 ng Disyembre, 2015, sa Beijing ang sentral na pulong hinggil sa gawaing pangkanayunan ng Tsina. Tinalakay sa pulong ang hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng agrikultura at kanayunan ng Tsina, at naitakda ang pangkalahatang plano hinggil sa gawaing pang-agrikultura at pangkanayunan mula susunod na taon hanggang 2020.
Sa pulong na ito, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong 5 taong nakalipas, mabunga ang pag-unlad ng agrikultura at kanayunan, pero kinakaharap pa rin nito ang mga problema at hamon. Aniya, sa darating na 5 taon, dapat isakatuparan ang inobatibo, koordinado, sustenable, bukas, at mapagbabahagiang pag-unlad ng agrikultura at kanayunan.
Iniharap din sa pulong ang mga konkretong hakbangin hinggil sa pagsasagawa ng mga patakarang preperensyal sa mga magsasaka, pagpapalalim ng mga reporma sa kanayunan, pagpapasulong ng modernisasyong agrikultural, pagbabawas ng kahirapan sa kanayunan, at iba pa.
Salin: Liu Kai