Isinapubliko kahapon, Biyernes, ika-8 ng Enero, ng prokuratorya ng Bao'an District ng lunsod ng Shenzhen, na noong ika-6, inaresto ang 5 pang taong may pananagutan sa pagbagsak ng construction waste pile na naganap noong ika-20 ng Disyembre ng nagdaang taon sa Shenzhen.
Hanggang sa kasalukuyan, 16 tao ang inaresto dahil sa aksidenteng ito, at isasakdal sila sa kasalanang kapabayaan.
Hanggang noong ika-6 ng buwang ito, 58 katao ang nasawi sa naturang aksidente, at 77 katao ang nawawala pa.
Salin: Liu Kai