NANINDIGAN si Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. na mas magiging makabuluhan ang direktang pakikipag-usap ng Pilipinas sa Tsina sa likod ng situwasyon sa South China Sea.
Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na makailang-ulit na niyang iminungkahi ang pakikipag-usap sa Tsina upang maayos ang malamig na relasyong namamagitan sa dalawang bansa.
Ipinaliwanag niyang maaaring gawin ito ng pamahalaan o ng mga mangangalakal at iba pang sektor na magiging katanggap-tanggap sa magkabilang panig.
Ang sigalot sa pag-itan ng Estados Unidos at Tsina noong dekada sitenta ay nagwakas sa pamamagitan ng larong ping-pong ng magkabilang panig.