Kuala Lumpur, Malaysia--Kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), sinang-ayunan ng mga kalahok na lider sa katatapos na East Asia Summit na dapat lutasin ang isyung ito sa pamamaraang hindi magpapalala sa kalagayan.
Winika ito kahapon ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia, Bansang Tagapangulo ng ASEAN, sa seremonya ng pagpipinid ng ASEAN Summit.
Ipinahayag din ni Najib na sinang-ayunan din mga lider na kailangang sundin ng mga may kinalamang bansa ang mga kinauukulang batas na pandaigdig at Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Idinagdag pa niyang sinang-ayunan din ng Tsina at mga bansang ASEAN na marating ang Code of Conduct on the South China Sea (COC), batay sa DOC, sa lalong madaling panahon.
Idinaos kahapon ang Ika-10 East Asia Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia. Lumahok dito ang mga lider mula sa sampung bansang ASEAN, Tsina, Timog Korea, Hapon, Estados Unidos, Rusya, India, Australia, New Zealand at United Nations.
Tinalakay ng mga lider ang hinggil sa seguridad na panrehiyon, pagbibigay-dagok sa terorismo, sustenableng pag-unlad na pangkabuhayan, katatagang pinansyal, pakikibaka laban sa ilegal na imigrasyon at pagpupuslit ng tao, at iba pa.
Tagapagsalin/tagapg-edit: Jade