|
||||||||
|
||
New York, punong himpilan ng UN—Pinagtibay nitong Martes, Marso 2, 2016 ng United Nations Security Council (UNSC) ang bagong resolusyon na bilang 2270 para mapigilan ang Hilagang Korea sa pagsasagawa ng mga nuclear at missile program.
Buong pagkakaisang pinagtibay ang nasabing resolusyon ng 15 miyembro ng UNSC bilang tugon sa nuclear test ng Hilagang Korea noong Enero 6 at paglulunsad ng satellite noong Pebrero 7.
Kinondena ng UNSC ang Hilagang Korea sa paggamit ng ballistic missile technology sa nasabing aktibidad dahil ipinagbabawal ito ng dating resolusyon ng UN. Samantala, iginigiit naman ng Hilagang Korea na naging mapayapa ang paglulunsad ng satellite nito.
Nakasasaad sa bagong resolusyon ang pagbabawal ng pagluluwas mula sa Hilagang Korea ng karbon, iron, iron ore, ginto, titanium ore, vanadium ore at rare earth metals. Ipinagbabawal din ng resolusyon ang pagsuplay sa Hilagang Korea ng lahat ng uri ng panggatong na pang-abiyasyon na kinabibilangan ng rocket fuel. Bukod dito, hinihiling din ng resolusyon sa iba't ibang bansa na suriin ang mga kargo na papapasukin at palalabasin mula sa Hilagang Korea. Ipinapataw rin ng resolusyon ang asset freeze sa mga pondo at iba pang mga economic resources na diretso o di-diretsong ari o kontrolado ng pamahalaan ng Hilagang Korea at Workers' Party of Korea, na may kaugnayan sa nuclear o ballistic missile program at iba pang mga ipinagbabawal na aktibidad.
Inulit din UNSC sa resolusyon ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at ang pangako nito na lutasin ang isyu sa paraang diplomatiko at pulitikal.
Ang pinakahuling resolusyon ay nagpapakita ng ika-5 round ng sangsyon na ipinalabas ng UN laban sa Hilagang Korea sapul noong 2006 nang ilunsad ng bansa ang unang nuclear test.
Buong pagkakaisang pinagtibay ng UNSC ang bagong resolusyon para mapigilan ang pagsasagawa ng nuclear at missile program ng Hilagang Korea .
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |