Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan ng Biyetnam, pinasulong ang pag-aaral ng wikang Hapones sa primary school

(GMT+08:00) 2016-03-03 17:08:59       CRI

Ayon sa ulat ng Kyodo News Agency ng Hapon noong Miyerkules, ika-2 ng Marso 2016, ipinatalastas noong Martes ng Embahada ng Hapon sa Biyetnam na sa pamamagitan ng pakikipagsanggunian sa Ministri ng Edukasyon at Pagsasanay ng Biyetnam, sinang-ayunan ng kapuwa panig na mula Setyembre ng taong ito, magkahiwalay na itatatag ang dalawang pilot class ng wikang Hapones sa grade-3 ng tatlong primary school sa Hanoi, kabisera ng Biyetnam. Sinabi ng naturang embahada na ang Biyetnam ay magsisilbing unang bansa sa Timog-silangang Asya na magsasagawa ng edukasyon ng wikang Hapones sa yugto ng primary education.

Ayon sa plano ng mga pamahalaan ng dalawang bansa, isasagawa ang real-time evaluation sa nasabing pilot project at unti-unting mapapalaganap ito sa mga primary school ng Biyetnam.

Sa kasalukuyan, may kurso ng wikang Hapones ang ilang high school ng Biyetnam, at halos 46 libong Biyetnamese ang nag-aaral ng wikang ito.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>