|
||||||||
|
||
Sa larangan ng isyung administratibo, nanawagan ni Xu Hui na pahigpitin ang pagsusuperbisa sa pamahalaan para paalisin ang mga opisyal na tamad sa pagsasakatuparan ng sariling tungkulin.
Sa larangang pangkabuhayan, ipinahayag ni Li Yuguang na dapat pahigpitin ang pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR), at pasulungin ang inobasyon.
Sinabi naman ni Zhen Zhen na dapat bigyang-dagok ang iligal na pangangalap ng mga pondo sa pamamagitan ng internet at pabutihin ang pangangasiwa at pagsusuperbisa sa mga aksyong pinansiyal.
Sa larangang panlipunan, ipinahayag ni Zhang Shiping na dapat pasulungin ang usapin sa pag-aasikaso sa mga matatanda. Sinabi naman ni Zhang Fan na dapat pahigpitin ang konstruksyon ng sistema ng kredibilidad sa buong lipunan. Ayon naman kay Shao Hong, dapat pahigpitin ang pangangalaga sa kapaligiran.
Kaugnay ng isyung panrelihiyon, sinabi ni Nurlan Abelmanjen na dapat pigilan ang pagkalat ng ideya ng ekstrimismong panrelihiyon at labanan ang marahas na teroristikong aksyon.
Kaugnay ng isyu ng reunipikasyon, sinabi ni Zheng Jianbang na dapat mariing tutulan ang anumang aksyon ng pagsasarili ng Taiwan at palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait sa iba't ibang larangan.
Sinabi naman ni Wang Song na dapat pasulungin ang kooperasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait sa larangang agrikultural.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |