Alas-9 ng umaga, Marso 16, 2016, idaraos sa Great Hall of the People ang pulong ng pagpipinid ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Pagkaraan nito, makikipagharap si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan.
Sa panahong iyon, gagamitin ng China Radio International (CRI) ang Mandarin at Ingles para sa pagsasahimpapawid sa labas. Isasagawa rin ng mga plataporma ng CRI na gaya ng mga radyong pangkooperasyon sa ibang bansa, www.cri.cn, http://english.cri.cn, http://chinese.cri.cn, at Tinig ng South China Sea, ang live coverage tungkol dito.
Bukod dito, isasagawa ng www.cri.cn, http://english.cri.cn, http://chinese.cri.cn ang live coverage sa pamamagitan ng mga litrato at artikulo.
Salin: Li Feng