"Bilang kaibigan ng mga bansa sa kahabaan ng Ilog Mekong, may responsibilidad ang Tsina na bigyan ng tulong ang mga bansang ito para mapahupa ang mahirap na kalagayan dahil sa tagtuyot." Ito ang ipinahayag kahapon, Marso 15, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa paghahatid ng tubig mula sa Jinghong water power station sa lalawigang Yunnan, Tsina tungo sa mga nasabing bansa, mula sa Marso 15 hanggang Abril 10, 2016. Ito aniya'y batay sa kahilingan mula sa Biyetnam.
Ipinahayag ni Lu na kasalukuyang binabalangkas ng Tsina, kasama ng mga bansa sa Ilog Mekong, na kinabibilangan ng Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam ang mekanismong pangkooperasyon ng Lancang-Mekong River. Dagdag pa ni Lu, ang pagtutulungan sa likas-yamang tubig ay isa sa mga mahalagang bahagi ng pagtutulungan sa pagitan ng dalawang panig.