Ngayong araw, ika-15 ng Abril, 2016, ay Unang Araw ng Edukasyon sa Pambansang Seguridad ng Tsina.
Itinakda ito batay sa rebisadong Batas sa Pambansang Seguridad na pinagtibay ng Korte Suprema ng Tsina noong Hulyo, 2015. Itinatampok sa batas na ito ang pangangalaga sa pambansang ari-arian sa kalawakan, karagatan at polar regions. Nakatuon din ito sa cyberspace sovereignty.
Sa kanyang mensahe sa okasyong ito, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pambansang kapayapaan at maligayang pamumuhay ay ang pinakasaligan at pinakakaraniwang mithiin ng mga mamamayan. Hiniling niya sa iba't ibang panig na samantalahin ang okasyong ito para mapalaganap ang kaalaman at mapasulong ang kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa mga batas na may kinalaman sa pagbibigay-dagok sa terorismo at pangangalaga sa pambansang seguridad. Idinagdag pa niyang ang lahat ng mga ito ay para sa mga mamamayan at umaasa rin sa mga mamamayan.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio