Sa sidelines ng 2016 Special UN Assembly on Drug sa New York, nitong Martes, Abril, 2016, dumalo si Guo Shengkun, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina sa pulong ng Greater Mekong Sub-region Anti-Drug Cooperation Mechanism. Dumalo rin sa pulong ang mga kinatawan mula sa Cambodia, Laos, Thailand, Myanmar at Vietnam.
Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Guo na nitong mahigit 20 taon sapul nang mabuo ang nasabing mekanismo, gumaganap ito ng mahalagang papel sa pakikibaka laban sa pagpupuslit ng droga ng rehiyon. Aniya, bilang priyoridad ng paglaban sa droga, suportado ng Tsina ang naturang mekanismo sa kasalukuyan at hinaharap. Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na gumawa ng ambag, kasama ng ibat-ibang panig, para mapasulong ang pangangasiwa sa droga ng rehiyon at daigdig, batay sa balangkas ng nasabing mekanismo at Pangkalahatang Asemblea ng UN.