Bilang isang bunga ng katatapos na pagdalaw ni Pangulong Bounnhang Vorachith ng Laos sa Tsina, ipinalabas kahapon, Miyerkules, ika-4 ng Mayo 2016, ng dalawang bansa ang magkasanib na pahayag, kung saan nanawagan sila para sa mapayapang paglutas sa hidwaan sa South China Sea, sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian ng mga bansang may direktang kinalalaman sa isyung ito.
Ayon sa pahayag, kapwa ipinalalagay ng Tsina at Laos, na ang kapayapaan, katatagan, pagtutulungan, at kaunlaran sa South China Sea ay angkop sa komong interes ng iba't ibang bansa sa rehiyong ito. Nanawagan din sila, na batay sa pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), pasulungin ng iba't ibang panig ang pagsasanggunian, para marating sa lalong madaling panahon ang Code of Conduct in the South China Sea (COC).