|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos, umabot na sa 41 ang bilang ng mga nawawala sa landslide na naganap sa Taining, Fujian Province, sa timog ng Tsina nitong Linggo. Samantala, 13 sugatan ang tumatanggap ng emergency medical treatment sa lokal na ospital. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang paghahanap at pagliligtas.
Ang landslide na naganap mga alas-5 ng umaga nitong Linggo ay dulot ng malakas na pag-ulan na nagsimula Sabado. Nabaon sa landslide ang isang gusali at pansamantalang panirahan sa construction site ng isang hydropower station.
Makaraang maganap ang kalamidad, agarang inutusan nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga may kinalamang panig na buong sikap na hanapin ang mga nawawala, lunasan ang mga nasugatan at maayos na hawakan ang mga gawain para damayan ang mga kamag-anak ng mga nasugatan at nawawala. Hiniling din nilang pigilan ang mga secondary disaster, isagawa ang mahigpit na pagsusuri para alisin ang mga nakatagong panganib at aktuwal na pangalagaan ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan.
Mga sugatan na tumatanggap ng panggagamot sa lokal na ospital ng Taining, Fujian Province. (Xinhua/Lin Shanchuan)
Patuloy ang paghahanap at pagliligtas ng mga rescuer sa pinangyarihan ng landslide. (Xinhua/Xiang Jiangmin /Lu Dawei)
Tagapagsalin: Jade/Ernest
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |