Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

35, namatay sa landslide sa Fujian Province; walang apektadong Pinoy: ConGen Flores

(GMT+08:00) 2016-05-10 16:08:45       CRI

Ayon sa pinakahuling ulat, hanggang ala una ng tanghali ng Martes, Mayo 9, 35 ang namatay sa landslide na naganap sa Taining, Fujian Province, sa timog ng Tsina nitong Linggo. Samantala, isa ang nawawala pa rin.

Sa isang email message ngayon sa CRI Filipino Service, sinabi ni Consul General Julius Flores ng Consulate General ng Pilipinas sa Xiamen, Fujian, na kinumpirma ng Sanming City kung saan matatagpuan ng Taining, pinangyarihan ang kalamidad na walang apektadong Pinoy sa aksidente. Nauna rito, sa text message mula kay ConGen Flores, kinumpirma ng Fujian Public Security Department na walang apektadong Pilipino sa sakuna.

Ang landslide na naganap mga alas-5 ng umaga nitong Linggo ay dulot ng malakas na pag-ulan na nagsimula Sabado. Nabaon sa landslide ang isang gusali at pansamantalang panirahan sa construction site ng isang hydropower station.

Makaraang maganap ang kalamidad, agarang inutusan nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga may kinalamang panig na buong sikap na hanapin ang mga nawawala, lunasan ang mga nasugatan at maayos na hawakan ang mga gawain para damayan ang mga kamag-anak ng mga nasugatan at nawawala. Hiniling din nilang pigilan ang mga secondary disaster, isagawa ang mahigpit na pagsusuri para alisin ang mga nakatagong panganib at aktuwal na pangalagaan ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan.

Rescuers na naghahanap sa landslide site sa Taining County, Fujian Province, May 9, 2016. (Xinhua/Zhang Guojun)

Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>