Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-8 China-South Korea Media High-level Dialogue, idinaos sa Seoul

(GMT+08:00) 2016-05-24 09:40:21       CRI
Ika-8 China-South Korea Media High-level Dialogue, idinaos sa Seoul

Idinaos nitong Lunes, May 23, 2016 sa Seoul, Kabisera ng Timog Korea, ang Ika-8 China-South Korea Media High-level Dialogue. Lumahok dito ang mga namamahalang tauhan mula sa mahigit 20 mainstream media ng Tsina at Timog Korea. Dumalo naman sa diyalogo sina Liu Qibao, Publicity Department ng Communist Party of China (CPC) Central Committee, at Lee Joon-sik, Pangalawang Punong Ministro ng T.Korea.

Ang tema ng nasabing diyalogo ay palalimin ang kooperasyon sa pagitan ng mga media para mapasulong ang partnership ng Tsina at T. Korea.

Sa diyalogo, nagpalitan ng palagay ang mga kalahok na tauhan hinggil sa mga kasalukuyang maiinit na balita at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Tinukoy ni Hu Bangsheng, Pangalawang Presidente ng China Radio International, na ang kooperasyon sa pagitan ng media ng dalawang bansa ay huli kumpara sa kanilang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, turismo, at iba pang larangan. Aniya, hindi rin nito natugunan ang pag-unlad ng industriya at pangangailangan ng mga mamamayan. Aniya pa, ang katangian ng Ika-4 na Industrial Revolution ay networking, intelligence, at virtualization. Kapwa bilang malaking bansa sa industriya ng inpormasyon, ani Hu, dapat gumanap ang Tsina at T. Korea ng mas malaking papel sa Ika-4 na Industrial Revolution. Sa pamamagitan ng kooperasyon, dapat pasulungin ng dalawang bansa ang paggamit ng resulta ng rebolusyon sa larangan ng media, dagdag niya.

Nabanggit naman ng namamahalang tauhan ng Korean Broadcasting System o KBS na dapat ibayo pang pahigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon at pagpapalitan hingil sa TV drama.

Ito ang ika-8 beses na magkasamang pagdaraos ng Tsina at T. Korea ng China-South Korea Media High-level Dialogue. Salamat sa platapormang ito, nagiging mas mayaman ang nagtutulungang proyekto ng mga media ng dalawang bansa, na gaya ng pagpapalitan ng tauhan, magkasamang paggawa ng drama, magkasanib na pagkokober, at iba pa.

1. Lumahok sa diyalogo si Liu Qibao, Publicity Department ng Communist Party of China (CPC) Central Committee.

2. Nilagdaan ang kasunduan nina Hu Bangsheng, Pangalawang Presidente ng China Radio International at namamahalang tauhan ng One Broadcasting System.

3. Nagdiyalogo ang mga namamahalang tauhan ng mga media ng Tsina at T.Korea

Salin: Andrea

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>