Huwebes, Mayo 26, 2016-Nagpadala ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Maithripala Sirisena ng Sri Lanka bilang pakikiramay sa mga sinawing-palad at biktima ng baha at landslide sa bansang ito.
Ipinahayag ni Pangulong Xi na nakahanda ang Tsina na buong lakas na tulungan ang Sri Lanka sa pagsasagawa ng gawaing-panaklolo. Tutulungan din aniya, hangga't maari, ang bansang ito para sa rekonstruksyon sa hinaharap. Nananalig si Xi na mapagtatagumpayan ng mga mamamayan ng Sri Lanka ang kalamidad, sa pamumuno ng pamahalaan, at makakabalik ang mga lumikas na mamamayan sa lupang tinubuan, sa lalong madaling panahon.