Nagtagpo ngayong araw, Hunyo 5, 2016, sa Singapore, sina Sun Jianguo, Pangalawang Puno ng Joint Staff Department ng Central Military Commission (CMC) ng Tsina, at Suvon Luongbunmi, Pangalawang Ministro ng Tanggulan ng Laos.
Sinabi ni Sun na nakahanda ang Tsina na ibayong pasulungin, kasama ng Laos, ang mga aktuwal na kooperasyon ng relasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa batay sa mga narating na komong palagay.
Aniya pa, hanga ang Tsina sa positibong ambag ng Laos para pasulungin ang kooperasyong pandepensa ng Tsina at ASEAN.
Sinabi naman ni Suvon Luongbunmi na nananatiling mainam pa rin ang mga kooperasyon ng dalawang hukbo sa iba't ibang larangan. Aniya pa, nakahanda ang panig militar ng kanyang bansa na buong sikap na pangalagaan ang mainam na relasyon ng dalawang hukbo.