Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Marcos, pinayuhang kumandidato na lamang sa susunod na halalan

(GMT+08:00) 2016-06-06 17:45:48       CRI

PINAYUHAN ng bantog na election lawyer na si Romulo Macalintal si Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. na kumandidato na lamang sa susunod na halalan sa pagka-senador sa halip na ituloy ang protesta laban kay VP Ma. Leonor "Leni" Robredo.

Napakalaking halaga ang kailangan sa paglulunsad ng protesta sapagkat maraming kailangang gawin upang mapatunayang mayroong krimeng naganap noong nakalipas na halalan.

Ginawa ni Atty. Macalintal ang mungkahi hindi bilang abogado ni Vice President Robredo bagkos ay bilang isang abogado sa halalalan sapagkat ang mga protesta ay laging walang katiyakan ang kakahinatnan.

Ani Atty. Macalintal, kung siya ang abogado ni Senador Marcos, papayuhan niya ang nakababatang Marcos na kumandidato na lamang sa 2019 elections at nagwagi naman si Gng. Robredo sa agwat na 263,473 boto kay Senador Marcos noong nakalipas na halalan.

Sa oras na may kalabasan ang protesta, nasayang na ang tatlong taon at eleksyon na naman kaya't mas mabuting sa susunod na halalan na lamang siya magtuon ng pansin, dagdag pa ni Atty. Macalintal.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>