Ini-issue kahapon, Hunyo 8, 2016, sa London Stock Exchange ng Ministring Pinansiyal ng Tsina ang tatlong taong government bond na nagkakahalaga ng 3 bilyong yuan RMB o halos 457 milyong Dolyares.
Ito ang kauna-unahang pag-issue ng Tsina ng sovereign RMB bond sa ibayong dagat. Sinabi ni Shi Yaobin, Pangalawang Ministrong Pinansiyal ng Tsina, na ito'y mahalagang pagsubok ng Tsina sa proseso ng pagbubukas ng pinansya. Dagdag pa niya, ito'y bagong natamong bunga sa kooperasyon ng Tsina at Britanya.
Sinabi naman ni Harriett Baldwin, Economic Secretary ng Ministring Pinansyal ng Britanya, na ikinagagalak ng kanyang bansa ang pagganap ng mahalagang papel sa pag-issue ng sovereign RMB bond. Ito aniya ay magandang kinabukasan ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa pamilihang pinansiyal.