Bilang isang produktong pinansyal para sa mga mamumuhunan sa Britanya at Europa, ipinatalastas kahapon sa London ng Bank of China na mag-iisyu ito ng bond na nagkakahalaga ng 2.5 bilyong RMB.
Ang naturang operasyon ng pag-iisyu ay magkasamang isasabalikat ng mga organong pinansyal, na kinabibilangan ng Bank of China, Hongkong at Shanghai Banking Corporation Limited(HSBC), UBS Security Company Limited, at America Merrill Lynch.
Nauna rito, magkasunod na nag-isyu ng katulad na bond sa London ang Contruction Bank of China at Industrial at Commerce Bank of China. Ang bond na kanilang inisyu ay nagkakahalaga ng 1 bilyon at 2 bilyong RMB, ayon sa pagkakasunod.