BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga drug lord na nasa bansa. SA kanyang talumpati sa change of command ceremony sa Armed Forces of the Philippines, sinabi ng pangulo na bilang na ang mga oras ng drug lords.
Lilipulin umano ng kanyang pamahalaan ang drug lords sa madaling panahon. Hindi kailanman niya kukunsentihin ang operasyon ng drug lords. Binalaan niya ang mga drug lord na nasa loob ng New Bilibid Prison. Hinihinya umano ng mga salaring ito ang pamahalaan.
Tapos na umano ang masasayang araw ng mga drug lord sa piitan. Laging may panahon upang mamahinga at mamatay, dagdag pa ni Pangulong Duterte.