Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Punong dalubhasang Tsino sa patakarang panlabas, nagpahayag ng paninindigan sa isyu ng SCS

(GMT+08:00) 2016-07-07 14:48:52       CRI

Nagtalumpati Miyerkules, Hulyo 6, 2016 si Fu Ying, Punong Dalubhasa sa Pambansang Patakarang Panlabas ng Tsina sa Chatham House- Royal Institute of International Affairs, independent policy institute na nakabase sa London, Britanya. Sa kanyang talumpating pinamagatang "Pagkawala ng Kaayusan at Muling Pagtatatag ng Kaayusan," inilahad ni Fu ang paninindigan ng Tsina hinggil sa isyu ng South China Sea, at ikinumpara niya ito sa paninindigan ng Amerika.

Ayon kay Fu, hinahawakan ng Amerika ang pagkakaiba nito sa Tsina sa isyu ng South China Sea, batay sa kompetisyon sa estratehiyang heopulitikal at ang hegemonya nito ay depende sa pagkontrol sa mga pangunahing lugar sa karagatan. Samantala, para naman sa Tsina, ani Fu, ang nukleo ng nasabing isyung pandagat ay alitang panteritoryo at pansoberanya, kaya, ang pangunahing layunin ng Tsina sa South China Sea ay pangalagaan ang soberanya. Idinagdag pa ni Fu na dahil ang Tsina ay pangunahing tagapaggamit ng pandaigdig na lagusan sa nasabing karagatan, matitiyak nito ang maalwan at malayang nabigasyon doon, kasama ng ibang mga bansa sa rehiyon.

Ipinagdiinan din ni Fu na hindi kailanman maghahanap ng hegemonya ang Tsina sa rehiyon at hiniling din niya sa Amerika na makipagtulungan sa Tsina para mapangalagaan ang kapayapaan ng South China Sea.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>