Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga PM ng Tsina at Laos, nagpadala ng mensaheng pambati sa isa't-isa bilang pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN

(GMT+08:00) 2016-07-19 16:02:36       CRI

Ayon sa Xinhua News Agency, bilang maringal na pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinadala Martes, Hulyo 19, 2016, ang pagbati nina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos — kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Premyer Li na nitong 25 taong nakalipas sapul nang maitatag ang naturang relasyon, sa mula't mula pa'y iginagalang, nauunawaan, at kinakatigan ng dalawang panig ang isa't-isa. Nakaranas aniya ang relasyong Sino-ASEAN sa iba't-ibang pagsubok, at natamo ng kanilang kooperasyon ang napakaraming bunga. Ito ay hindi lamang nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi naitayo ang modelong nakikipamuhayan nang pantay ang malaki at maliit na bansa para magkasamang hanapin ang kaunlaran.

Idinagdag pa niya na tulad ng dati, patuloy na kakatigan ng panig Tsino ang proseso ng integrasyon ng ASEAN, at ang namumunong papel nito sa kooperasyong panrehiyon. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng ASEAN, para mapasulong pa ang relasyong Sino-ASEAN, at makapagbigay ng mas malaking ambag para sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyon.

Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Thongloun Sisoulith na sapul nang maitatag ng ASEAN at Tsina ang relasyong pandiyalogo, natamo ng relasyong ito ang napakalaking pag-unlad. Inaasahan aniya ng ASEAN na patuloy na mapapalalim ang estratehikong relasyong pangkaibigan sa Tsina upang makapagbigay ng ambag para sa pagpapasulong ng kapayapaan, seguridad, katatagan, at kasaganaan ng buong daigdig, at sustenableng pag-unlad ng rehiyong ito.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>