Sinabi kahapon, Sabado, ika-23 ng Hulyo 2016, sa Davao, ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos, na tinanggap niya ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging espesyal na sugo sa Tsina, para isagawa ang talastasan sa pagitan ng mga pamahalaan ng dalawang bansa.
Ayon kay Ramos, sinabi ng kanyang doktor na maayos na ang kanyang pangangatawan para sa misyong ito.
Bago ipatalastas ni Ramos ang naturang desisyon, isinagawa niya, kasama ni Pangulong Duterte, ang 2-oras na close-door meeting.
Salin: Liu Kai