Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, nangako ng mas maayos na serbisyo sa mga mamamayan

(GMT+08:00) 2016-07-25 18:53:30       CRI

PANGULONG DUTERTE:  MAGLILINGKOD ANG INYONG PAMAHALAAN.  Ito ang binanggit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address na tumagal ng higit sa isa't kalahating oras.  Droga, trapiko, kapayapaan ang kanyang mga prayoridad.  (RTVM Photo)

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makararating ang basic public services sa mga mamamayan. Sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address, sinabi ng pangulo na hindi siya maninisi sa mga naunang pinuno ng bansa at sa kanilang istilo ng administrasyon sapagkat hindi niya sasayangin ang oras sa pagbanggit ng mga kasalanan ng iba.

Sinabi ng pangulo na dapat paghandaan ng pamahalaan ang kinabukasan. Subalit mayroon siyang mensahe sa mga nagkasala sa pamahalaan na magkakaroon sila ng sapat na panahon sa hukuman at sapat na panahon upang panagutan ang kanilang kasalanan.

Batid na umano niya ang mga problema ng bansa bago pa man siya tumakbo sa panguluhan.

Nanawagan siya sa mga naglilingkod sa pamahalaan na tumugon sa pangangailangan ng madla. Nanawagan din siya sa mga kawal at pulis na bansa na ipagpatuloy ang paglaban sa kriminalidad at pagtuldok sa talamak na droga sa bansa.

Hindi umano sila titigil hanggang hindi napapanagot ang lahat ng druglord, financier at pusher at nailalagay sa piitan.

Kailangan lamang gampanan ng mga kawani ng pamahalaan ang kanilang obligasyon at kasabay na rin ng panawagan sa kanilang huwag masasangkot sa anumang katiwalian sapagkat magkakaroon ng lifestyle check sa mga pulis at kawal at iba pang mga kawani.

Itataya umano niya ang kanyang karangalan, buhay at panguluhan laban sa droga. Magtatayo pa ng drug rehabilitation centers sa bawat rehiyon sa pamamagitan ng mga pasilidad ng Armed Forces of the Philippines.

Nagdeklara din ng unilateral ceasefire si Pangulong Duterte sa mga tauhan ng National Democratic Front, Communist Party of the Philippines at New People's Army. Nanawagan siya sa kabilang panig na magdeklara din ng tigil-putukan.

Bagama't kinikilala ng Pilipinas ang desisyon ng Arbitral Tribunal subalit isusulong din ang payapang paglutas ng mga 'di pagkakaunawaan ng bansa at Tsina.

Nais ng mga nasa pamahalaan ang kapayapaan subalit hindi kapayapaan ng mga libingan bagkos ay kapayapaan ng buhay. Handa ang pamahalaang makipag-usap sa mga kapatid na Moslem at mga kasapi ng Communist Party of the Philippines, New People's Army at National Democratic Front.

Gagamitin din ng pamahalaan ang buong lakas ng Armed Forces of the Philippines upang tapusin na ang problema ng Abu Sayyaf, dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Tumagal ang kanyang talumpati ng higit sa isa't kalahating oras. Unang binanggit ng kanyang Communications Secretary Martin Andanar na tatagal lamang ng 38 minuto ang kanyang talumpati.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>