Ayon sa ulat Linggo, Agosto 7, 2016, ng Philippine News Agency, nakatakdang lumisan ng Maynila papuntang Beijing (Agosto 8, 2016) si dating pangulong Fidel V. Ramos (FVR) ng Pilipinas para simulan ang inisyal na pakikipagtasatasan sa mga opisyal na Tsino.
Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si FVR bilang espesyal na sugo para mapanumbalik ang relasyong Sino-Pilipino makaraang unilateral na iniharap ng administrayon ni dating pangulong Benigno Aquino III ang arbitrasyon sa isyu ng South China Sea.
Kasama sa entorahe ni FVR ay sina dating Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan at beteranong mamamahayag na si Chito Sta. Romana.
Walang iba pang detalyeng iniulat kaugnay ng biyahe ni FVR sa Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Rhio