Bago dumalo sa G20 Summit na idaraos sa darating na Setyembre Hangzhou ng Tsina, ipinahayag ni Pangulong Macky Sall ng Senegal na ang bagong ideya ng pag-unlad ng Aprika ay paghihikayat ng pamumuhunan at kooperasyon sa halip na pagtanggap ng panaklolo lamang. Ito aniya ay pangunahing mensahe na gusto niyang ihatid sa G20 Summit.
Sinabi ni Macky Sall na ang ganitong kooperasyon ay nagkakaloob ng matatag at pangmatagalang tulong na kinakailangan ng mga bansang Aprikano, bahay-kalakal at indibiduwal.
Kaugnay ng idaraos na G20 Summit, sinabi niyang ang pulong na ito ay buong sikap na magpapasulong ng kabuhayang pandaigdig, lalo na ng kabuhayan ng mga bansang Aprikano.