Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

UN Summit for Refugees and Migrants, binuksan: Karagdagang 100 milyong US Dollars, ipagkakaloob ng Tsina sa paglutas sa probelma sa mga refugees

(GMT+08:00) 2016-09-20 10:44:33       CRI

New York, Punong Himpilan ng UN — Binuksan Lunes, Setyembre 19, 2016, ang unang Summit for Refugees and Migrants ng Ika-71 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN). Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagdaraos ng naturang summit sapul nang maitatag ang UN. Dumalo at bumigkas ng talumpati sa nasabing summit si Premyer Li Keqiang ng Tsina.

Nagtatalumpati si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Summit.

Sinabi ni Premyer Li na ipagkakaloob ng Tsina ang karagdagang 100 milyong US Dollars para tulungan ang paglutas sa problema sa refugees na dulot ng malawakan at sapilitang paglikas ng mga tao.

Nagtatalumpati si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Summit.

Ipinahayag niya na sa kasalukuyan, nagiging mas namumukod ang problema sa mga refugees at migrant, at nakakaapekto na ito sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig. Aniya, dapat bigyan sila ng totohanang tulong.

Nagtatalumpati si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Summit.

Ipinahayag ni Li na kung talagang nais lutasin ang nasabing problema, dapat lubos na patingkarin ang koordinadong papel ng mga organo ng UN, at dapat ding balangkasin at isagawa ang komprehensibo at sistematikong katugong kalutasan. Aniya pa, ang paglutas sa problemang ito ay higit pang nangangailangan ng sariling pagsisikap ng mga bansang pinagmumulan.

Summit for Refugees and Migrants ng Ika-71 Pangkalahatang Asemblea ng UN.

Ipinagdiinan ng premyer Tsino na sa mula't mula pa'y lubos na pinahahalagahan at aktibong nilalahukan ng Tsina ang paglutas sa problema sa mga refugees at migrant. Bilang isang malaking umuunlad na bansa, nakahanda aniya ang Tsina na isabalikat ang responsibilidad na angkop sa sariling kakayahan. Isasagawa ng Tsina ang pakikipagtulungan sa mga may-kinalamang organong pandaigdig at mga umuunlad na bansa sa usaping ito, dagdag pa niya.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>