Ayon sa ulat kamakailan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, magkakahiwalay na ipagkakaloob ng pamahalaang Tsino ang 2 milyong Dolyares na makataong tulong sa United Nations Refugee Agency (UNHCR), United Nations World Food Programme (WFP), at World Health Organization (WHO), at ang 500 libong Dolyares na makataong tulong sa International Committee of the Red Cross.
Anang nabanggit na ministri, ang naturang mga tulong ay para katigan ang UN sa pagpapatingkad ng namumunong papel sa pandaigdig na isyu ng refugee, at lutasin ang isyung ito kasama ng komunidad ng daigdig.
Salin: Liu Kai