Nag-usap Huwebes, Oktubre 20, 2016 sa Beijing sina Liu Yunshan, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo at Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Dinh The Huynh, Kagawad ng Pulitburo at Pirmihang Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng BIyetnam (CPV).
Sinabi ni Liu na dapat pahigpitin ng dalawang panig ang pagpapalagayan sa mataas na antas, at palalimin ang pagtitiwalaan para pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Biyetnam.
Bukod dito, sinabi rin niyang dapat patingkarin ang papel ng pagpapalitan ng CPC at CPV.
Ipinahayag naman ni Dinh The Huynh na ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa ay angkop sa kapakanan ng dalawang panig at kanilang mga mamamayan. Ito rin aniya ay nakakabuti sa katatagan, kapayapaan at kasaganaan ng rehiyong Asyano.