Ipinahayag Huwebes, Oktubre 6, 2016, sa Hanoi, nina Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam at kanyang counterpart na si Hassan Rouhani ng Iran, na buong sikap na patataasin ng dalawang bansa ang bolyum ng kalakalan sa 2 bilyong Dolyares sa hinaharap.
Sa news briefing pagkatapos ng pagtagpo, sinabi ni Tran Dai Quang na sa kasalukuyan, maliit ang bolyum ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang pahihigpitin ang kooperasyon sa Iran.
Sinabi naman ni Hassan Rouhani na malakas ang nakatagong lakas ng kanyang bansa sa pagluluwas sa langis, natural gas at aspalto.
Bukod dito, sinang-ayunan ng dalawang lider na padaliin ang proseso ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal sa kani-kanilang pamilihan.