|
||||||||
|
||
Hanoi, Vietnam — Idinaos nitong Martes, Oktubre 25, 2016, ng Ho Chi Minh National Political Academy ang simposyum na may temang "Relasyong Biyetnames-Sino: Kasalukuyang Kalagayan at Problemang Dapat Agarang Lutasin." Binigyan ng positibong papuri ng mga kalahok na ekspertong Biyetnames ang kasalukuyang kalagayan ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag nila na pagkaraang maging normal ang relasyong Biyetnames-Sino, magkasamang napawi ng dalawang bansa ang maraming kahirapan at hamon. Naisakatuparan din anila ng dalawang bansa ang napakasiglang pag-unlad sa iba't-ibang larangan.
Ipinagdiinan din nila na dapat puspusang palalimin ng dalawang bansa ang pagkakaibigan at palakasin ang pagtitiwalaan upang makapag-ambag sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng rehiyon at buong daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |