
Idinaos sa Beijing, Oktubre 24, 2016 ang Ikaanim na Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina(CPC). Pagkaraang pagtibayin ang ilang resolusyon, ipininid Oktubre 27, 2016 ang naturang sesyon.
Ipinalalagay ng mga kalahok na iginigiit ng Komite Sentral ng CPC ang konstruksyon at pangangasiwa ng partido sa kaisipan at sistema, sapul ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Samantala, sa pangunguna ni Xi Jinping bilang Pangkalahatang Kalihim, nais ng Komite Sentral na maging huwaran ito ng buong CPC sa usaping nabanggit, sa pamamagitan ng sariling aktuwal na aktibidad. Hindil lamang ito sinuportahan ng buong partido at lahat ng mga mamamayang Tsino, kundi magbibigay rin ito ng garantiya sa bagong tagumpay na matatamo ng partido at estado sa ibat-ibang larangan sa hinaharap.
Ayon sa sesyon, ang Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC ay nakatakdang idaos sa huling hati ng taong 2017, sa Beijing.