Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, handang pasulungin ang pagtutulungan ng UN at regional organization

(GMT+08:00) 2016-10-29 15:13:11       CRI

Idinaos nitong Biyernes, Oktubre 28, 2016, ng United Nations (UN) ang bukas na pulong para talakayin ang tema hinggil sa kooperasyon ng UN, Shanghai Cooperation Organization (SCO), Collective Security Treaty Organization (CSTO), at Commonwealth of Independent States (CIS), sa larangan ng pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan.

Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na nitong ilang taong nakalipas, sa mga aspektong tulad ng pagbibigay-dagok sa terorismo, drug smuggling, transnasyonal at organisadong krimen, at pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng mga kasaping bansa, natamo ng SCO, CSTO at CIS ang positibong bunga. Ang mga ito aniya ay mabisang nangangalaga sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng rehiyon. Lubos itong hinahangaan ng panig Tsino, ani Liu.

Dagdag pa ni Liu, nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng iba't-ibang panig, para walang humpay na mapasulong ang kooperasyon sa pagitan ng UN at mga rehiyonal na organisasyon at makapag-ambag sa pagtatatag ng magandang mundo na may pangmalayuang kapayapaan at komong kasaganaan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>