Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Transaksyon sa unang 1 oras ng Single's Day sales ng Alibaba, 35.3 bilyong yuan

(GMT+08:00) 2016-11-11 16:11:54       CRI

Ngayong araw, Nobyembre 11, 2016, ang Single's Day online shopping festival ng Alibaba. Sa loob ng 7 minuto, pagkaraang simulan ang shopping festival, umabot sa 10 bilyong yuan (1.47 bilyong dolyares) ang kabuuang halaga ng transaksyon. Sa unang isang oras naman ng nasabing araw, lampas sa 35.3 bilyong yuan (5.18 bilyong dolyares) ang ginasta ng mga mamimili.

Ayon sa estadistika ng Alibaba, mga 90% ng mga transaksyon ang isinagawa, sa pamamagitan ng mga wireless device na gaya ng smartphone.

Si Jack Ma (sa kanan), Executive Chairman ng Alibaba

Ang mga ito ay paulit-ulit na lumikha ng mga bagong rekord ng transaksyon, sapul nang ilunsad ng Alibaba, e-commerce giant ng Tsina, ang nasabing online shopping event noong Nobyembre 11, 2009. Tulad ng Black Friday at Cyber Monday ng Estados Unidos, ang Alibaba's Singles Day online shopping festival ay nagsisilbing pinakamalaking shopping event sa Tsina, maging ng buong mundo.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>