Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Turismo ng Thailand, pinalalakas sa Tsina

(GMT+08:00) 2016-11-21 16:58:39       CRI

Upang maakit ang mga turistang Tsino, inanyayahan kamakailan ng Tourism Authority of Thailand at Air Asia, ang delegasyon ng mass media ng Guangxi, Tsina sa Hanthaburi, Rayong at mga lugar sa silangang Thailand.

Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng tanggapan ng Tourism Authority of Thailand sa Kunming na malaki ang pamilihang Tsino. Bukod aniya sa pag-anyaya sa mga ahensiyang panturismo at mass media ng Tsinan a maglakbay-suri sa Thailand, isinasagawa pa ng kanyang tanggapan ang iba't ibang hakbangin para mapaganda ang pagtanggap ng Thailand sa mga turistang Tsino.

Samantala, bibigyan din aniya ng patnubay ng Tourism Authority of Thailand ang sirkulong panturismo ng bansa upang magbukas ng wechat account, weibo account at dagdagan ang impormasyong panturismo sa wikang Tsino sa kanilang mga website.

Mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito, lumaki nang mahigit 19% ang bilang ng mga turistang Tsino na pumunta sa Thailand kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>