Mula ika-6 hanggang ika-7 ng Disyembre, idinaos sa Hangzhou ng Tsina ang ika-8 pulong ng Porum ng mga mamamayan ng Tsina at Biyetnam. Dumalo sa porum na ito ang mga dalubhasa ng dalawang bansa sa pulitika, at ekonomya.
Nagbigay ang mga kalahok ng mataas na pagtasa sa mga natamong bunga ng pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Ipinalalagay nila na ang pagkakaibigan, kooperasyon, mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ay pangunahing bahagi ng relasyon ng dalawang bansa.
Tinalakay din nila ang hinggil sa pagpapahigpit ng pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, maayos na paghawak sa hidwaang pandagat at pagpapalalim ng pag-uugnayan sa estratehiya ng pag-unlad.