Idinaos kahapon, Lunes, ika-28 ng Nobyembre 2016, sa Nanjing, lunsod sa silangang Tsina, ang pulong bilang paglalagom sa ika-2 magkasamang aksyon ng Tsina at Biyetnam sa pagtugis sa mga pinaghihinalaang kriminal.
Ayon sa tala ng pulong, sa naturang aksyong isinagawa mula Abril hanggang Setyembre ng taong ito, dinakip ng dalawang panig ang 29 na suspek na tumakas sa kapwa bansa. Kabilang dito, dinakip ng kapulisang Tsino ang 9 na suspek na Biyetnames, at dinakip naman ng kapulisang Biyetnames ang 20 suspek na Tsino.
Positibo rin ang kapwa panig sa ganitong kooperasyon ng pagtugis sa mga suspek. Sinang-ayunan nilang isagawa ang ika-3 aksyon mula Enero hanggang Hunyo ng susunod na taon.
Salin: Liu Kai